DESCRIPTION:

I am not the "almost perfect partner".

I pray to meet him.

And I am hoping he'd stay around.

Forever.

Yes.


Wednesday, April 27, 2011

Self Chat

Ano ba? Bakit ba hindi ka nagmomove on?

Sinusubukan ko naman eh.

Subukan mo pa!

Hirap na ako eh. Sobra.

Nasasaktan ka na nga hindi ka pa tumigil.

EH mahal ko pa nga eh.

Ang tanong, mahal ka pa kaya? Nagmumukha ka ng tanga!

Wala akong pakielam kung mag mukha akong tanga, mahal ko sya eh.

Pinagmukha ka na ngang tanga nung una, hanggang ngayon pa ba?

Pag nagmahal ka mararanasan mo din yan.

Tigilan mo na kasing mahalin sya.

Kala mo ba ganun kadali? Kala mo ba pagkasinabi mong hindi mo na sya mahal, yun na yun, mawawala na talaga agad agad?

Pwes ngayon pa lang simulan mo na! The earlier you start, the earlier you finish.

Sobra na ba talaga akong miserable?

OO! NAHIHIYA AKO PARA SAYO!

Lahat naman kinahihiya ako eh.

Alam mo bakit? Dahil nagbago ka na!

Ako pa ba ang nagbago?

Ganyan ka ba nya minahal? Minahal ka ba nya dahil mukha kang miserable?

Hindi.

Oh yun naman pala eh.

Anong gagawin ko?

Kelangan mo pa bang tanungin kung anong kailangan mong gawin?

Oo.

Ang gawin mo, ibalik mo yung dati mong sarili, yung RR na minahal nya. yung RR na malakas, matapang, makapangyarihan.

Eh pano kung hindi nya tanggapin?

Kawalan mo yun pag hindi nya tinanggap?

Hindi.

OO RR maging malakas ka. Kaya mo yan!

Lahat na lang sinasabi yan!

Dahil yan ang totoo.

Yeah, Make your mom proud.

Oo, Sige gagawin ko.

- a self-chat  created 04-13-2011

2 comments:

  1. WOW, two thumbs up! Ramdam na ramdam rr.

    ReplyDelete
  2. Thanks! hayst i really feel down today

    ReplyDelete